Home OPINION MAY TATAPAT KAY ATE VI SA BATANGAS

MAY TATAPAT KAY ATE VI SA BATANGAS

225
0

KUNG si Vice Governor Mark Leviste, napababalitang nanliligaw kay retired actress Kris Aquino, ay umatras sa laban sa pagkagobernador ng Batangas matapos maghain ng kandidatura ni Star for All Seasons Vilma Santos marahil batid niyang wala siyang laban sa popularidad ng huli, isang kapangalan ng artista rin ang hahamon sa kasikatan ng aktres sa larangan ng pulitika.

Si Jay Manalo Ilagan, bise alkalde ng Mataas na Kahoy sa Batangas, ay naghain din ng kanyang kandidatura o certificate of candidacy sa pagkagobernador sa Commission on Elections kasama ang kanyang supporters at nakahandang labanan ang actress turned politician.

Sabi ng ilang marites at tolits, maraming Batangueño ang naniniwala na itong si Ilagan, dating isa sa mga coordinator at tagapagkabit ng mga tarpaulin ng pamilya Recto, ang umano’y magiging mahigpit na katunggali ng aktres.

Sabi nga nitong si Ilagan, nangarap siya na hindi naman maging lifetime coordinator at tagapagkabit ng tarpaulin, subalit nangarap din siya na maging ama ng lalawigan kaya nga pinaghandaan at patuloy na pinaghahandaan ang 2025 elections.

Nabanggit nitong bise alkalde na 30 taon niyang pinaghandaan si Vilma Santos-Recto na makaharap sa laban sa pagka-gobernador. Hindi umano siya kinakabahan na isang sikat ang kanyang babanggain.

Pagyayabang pa nga nitong Ilagan “May bago na pong sikat ngayon, at ‘yun ay si Jay Manalo Ilagan.”

“Ang pagkakaiba ko lang o advantage ko na anomang araw, anomang oras, anomang sandali, si Jay Ilagan ay makikita sa Batangas, si Jay Ilagan ay napupuntahan sa bahay, si Jay Ilagan ay rumesponde sa lahat ng pangangailangan ng bawat Batangueño. Hindi representative, tayo mismo ang haharap sa taumbayan.”

Parang pinatatamaan niya na madalas ay wala sa Batangas o sa kapitolyo si Santos-Recto noong panahon na siya ang gobernadora ng Batangas.

Ang labanan nina Santos-Recto at Ilagan ang masasabing totoong laban ni David versus Goliath.

Maliban kina Santos-Recto at Ilagan, naghain din ng COC sa Comelec itong sina Padre Garcia Mayor Mike Rivera.

Para sa inyong Pakurot  na taal na taga-Batangas, isang malakas na “ROAR” ang ating sigaw para sa mga kandidato sa lalawigan ng Batangas.

Manindigan tayo sa panuntunan nating mga Batangueño na “maubos na ang yaman, wag lang ang yabang!”

Pero hindi kami nag-uubusan ng lahi. Sa kampanya lang ang yabang pero iginagalang ang pasya ng taumbayan sa pamamagitan ng halalan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here