Home NATIONWIDE Bayad kada ulo sa war on drugs, aabot sa P1M – Garma

Bayad kada ulo sa war on drugs, aabot sa P1M – Garma

144
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Royina Garma na umaabot ng mula P20,000 hanggang P1 milyon ang cash reward sa bawat mapapatay sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Ito ang naging pahayag ni Garma nang tanungin ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel para kumpirmahin kung mayroon bang pabuyang P50,000 para sa drug pusher, P100,000 para sa big time drug pusher, P300,000 para sa narco politicians at protectors, at P1 milyon para sa mga trader, manufacturer, chemist, ninja cops o financiers.

Aniya, hindi niya alam eksakto ang presyo ng bayad sa bawat mapapatay sa drug war ngunit sinabi nitong ang pinakamataas ay umaabot nga ng P1 milyon.

“Mr. Chair. From what I understand, starting from P20,000 to P1 million. But I’m not familiar with the bracketing,” pagbubunyag ni Garma.

Aniya, si dating police officer Edilberto Leonardo ang nangangasiwa sa pondo para rito.

“In Davao, once there’s a successful police operation, if you have filed the case, there’s a number, proof that you filed a case, you will be refunded P5,000 for your expenses,” sinabi pa ni Garma.

Bilang tugon, sinabi ni Manuel na hindi nakakagulat na ang mga pulis sa ilalim ng administrasyong Duterte ay sabik na sabik na ipatupad ang war on drugs.

“I am still trying to absorb everything…from P20,000 to P1 million per head. And from Davao, this happened nationwide,” ani Manuel.

“Kaya naman pala ganado yung mga sangkot na mga pulis na kapag neutralization talaga, ang layunin ay pumatay, dahil pala ganon kalaki yung reward sa kanila,” dagdag niya.

Wala pang tugon ang kampo ni Duterte sa mga alegasyon ni Garma. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here