Home METRO P8M ecstacy nasabat sa mga kahon ng coffee beans

P8M ecstacy nasabat sa mga kahon ng coffee beans

172
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa higit P8 milyon halaga ng ecstasy tablet o mas kilala na “party drugs” ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark makaraang madiskubre ito na nakahalo sa mga coffee beans na nagmula sa bansang Netherlands.

Ayon sa BOC, naharang nila ang nasa 4,891 ecstasy tablet na nakapaloob sa nasabing kargamento sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Enforcement and Security Service (ESS) ng BOC – Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).

Nauna dito, pinigil ng BOC X-ray Inspection Project ang kahina-hinalang kargamento at isinailalim sa K9 inspection ng CAIDTF at PDEA, na parehong kinumpirma ang pagkakaroon ng ilegal na droga.

Dahil dito, nagsagawa ng pisikal na pagsusuri sa kargamento na nagresulta sa pagkakadiskubre ng isang kahon ng espresso capsules at tatlong kahon ng coffee beans. Ang mga tabletang Ecstasy ay nakatago sa mga butil ng kape sa loob ng tatlong kahon, na ipinadala mula sa Netherlands.

Ang mga sample ay itinurn-over sa PDEA para sa chemical analysis, na nagpapatunay na ang mga tablet ay naglalaman ng Methylenedioxymethamphetamine, na karaniwang kilala bilang Ecstasy.

Isang Warrant of Seizure and Detention ang inisyu laban sa shipment para sa mga paglabag sa Sections 1400, 118(g), 119(d), at 1113 paragraph f, i, at l (3 & 4) ng Republic Act No. 10863, na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), na may kaugnayan sa Republic Act No. 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here