Home ENTERTAINMENT Pagtakbo ni Willie, binuweltahan ng netizen!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Pagtakbo ni Willie, binuweltahan ng netizen!October 14, 2024 17:281040 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Viral ngayon sa Facebook ang dalawang screen shot ng pahayag ni Willie Revillame.Placed alongside each other, may petsang October 7, 2021 ang isang pahayag ng TV host.Doon ay inamin niyang wala naman daw siyang maiaambag sa batas kung itutuloy niya ang kanyang kandidatura sa pagka-senador.Katabi ng pahayag na ‘yon ang kanyang pagbawi na may petsang October 8, 2024.Hapon ng October 8 nang mag-file si Willie ng kanyang CoC sa Comelec.Galing siya sa 42nd floor ng Wil Tower.Bandang alas tres nga ng hapon ding ‘yon ay gumayak na siya–naligo’t nagbihis at naglagay pa ng gel sa buhok.Ayon sa kanya, naniniwala siyang nasa kanyang puso ang pagtulong sa bayan kung kaya’t itutuloy na niya ang pagkandidato.Doon na binatikos si Willie who issued contrasting statements.Pero kung ang TV host ang tatanungin, October 7 ng gabi nang pinag-isipan niya raw nang mabuti ang kanyang pagtakbo.He said that neither his children nor his relatives knew about his final decision.Hindi pa man opisyal na gumugulong ang campaign period para sa pambansang puwesto ay binabakbakan na si Willie.Inaasahang lalo pang titindi ang mga birada sa kanya.Senador ang tinatakbuhan ni Willie, and Senate being a legislative body ay paggawa ng mga batas ang magiging tungkulin niya.Maaaring aware si Willie sa kanyang magiging trabaho kung sakali.Pero sapat na ba ang pagkakaroon niya ng puso para makatulong sa tao?Huwag naman sanang ang tingin ni Willie sa Senado ay isang malaking studio ng kanyang TV program. Ronnie Carrasco III