Home ENTERTAINMENT Alex, pwede nang mabuntis!

Alex, pwede nang mabuntis!

244
0
Screenshot

Manila, Philippines- Si Alex na mismo ang nag-announce ng good news na pwede na siyang magbuntis dahil maayos na ang kanyang blood count.

Binanggit niya ito sa launching ng Gonzaga family bilang endorser ng Chef Ayb’s Paragis tea.

Ang Gonzaga family ay kinabibilangan nina Alex, mommy Pinty at daddy Bonoy minus Toni.

Ayon kay Alex, naubusan na raw ng budget ang Chef Ayb’s Paragis Tea kaya hindi naisama, na obyus naman na joke lang ng sikat na socmed influencer.

“Anytime, pwede na akong mabuntis kasi tiningnan sa lab ang blood count ko and positive na 60 percent okay kaya anytime, pwede na talaga.

“Malaki ang na-help sa akin ng pag-inom regularly ng Paragis tea kasi gumanda talaga ang feeling ko and gumanda ang takbo ng blood ko.

“Basta tuloy tuloy ko lang ang pag-inom ng Paragis para good for reproductive system natin.

“Even kay Mikee (husband nj Alex), good din ‘yung Paragis tea sa sperm count,” pagbibida pa ni Alex.

Kahit si Mommy Pinty ay nagsabing narinig na rin niya sa church nila ang Chef Ayb’s Paragis Tea.

“Si Alex, gusto na talagang magbuntis and may friend kasi ako na gumagamit ng Paragis.

“Ang dami kong friend and nagte-take lahat sila and nagbubuntis naman kaya I think this is good,” sabi nng Gonzaga matriarch.

Anyway, active pa rin naman ang lifestyle ni Alex at visible pa rin siya sa kanyang YouTube channel just to prove na bising-bisi pa rin siya sa kanyang work.

Sa sinasabi ngayon ni Alex, abangan na lang natin kung kelan siya mabubuntis and who knows, baka bago mag-Pasko ay may magandang balita na ito. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here