Bulacan – Aabot sa P500,000 pabuya sa makakapagturo sa apat na suspek kabilang ang isang aktibong pulis na pumatay kay Association of Barangay Captains President Ramil Capistrano at kanyang driver nitong Oktubre 3 sa Brgy. Ligas, lungsod Malolos.
Kinilala ni Bulacan Police director PCOL. Satur Ediong ang suspek na si Police Staff Seargent Ulysses Fernan Castro Pascual, Cezar Mayoralgo Gallardo Jr, dalawang may alyas na Lupin at Jeff.
Sa isang press conference sa Governors office nitong umaga ng Lunes, Oktubre 14, Ayon Kay Ediong, may dalawang witness ang nasa safe costudy ng mga awtoridad at mga samut-saring ebidensiya kaya natukoy ang sasakyan at pagkakakilanlan ng mga suspek na pawang mga taga-Navotas.
Dahil dito, sinampahan na ng kaukulang kaso na ang mga itinuturing na suspek nitong umaga sa Malolos City Prosecutors Office
Nabatid na ang suspek na pulis ay dating nakatalaga Region 3 at kasalukuyang nakapuwesto sa Camp Crame.
Sinasabing lahat ng anggulo ay sinisilip ng pulisya para malaman ang motibo at ang utak ng krimen.
Samantala, sinabi ni Governor Daniel Fernando na puspusan ang kanilang aksyon para maibigay ang hustisya sa pamilya ng mga biktima.
Nalamang may ilang indibiduwal ang komontak at nagbigay tulong pinansyal sa gobernador na aabot sa P500,000 na kanyang gagawing pabuya sa makakapagturo sa mga suspek.
Nagpalasalamat ang gobernador sa naging aksyon ng pulisya para sa agarang maresolba ang naturang pamamaslang sa mga biktima.
Patuloy na humihingi ng hustisya ang pamilya ni Capistrano at ng kanyang driver na umaasang malutas sa lalong madaling panahon ang kaso. Dick Mirasol