MANILA, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na magiging patas ito sa pagsala ng nuisance candidates
Ayon kay Comelec Chairman Garcia, bukod sa pagsala ng mga aspirante ay idadaan pa rin ito sa mga pagdinig.
“Amin itong ipapa-raffle kapag natanggap ang rekomendasyon at magkakaroon ng hearing ang dibisyon,” ani Garcia.
Idinagdag pa ng poll chief na hindi pwedeng en banc — ito ay kailangan quasi judicial — division ng Comelec.
Sinabi ni Garcia na bago matapos ang Nobyembre ay dapat maisapinal na ang listahan ng kandidato.
Una nang sinabi ng Comelec na nasa 183 aspirante sa pagkasenador ang naghain ng COC kung saan 66 na ang tiyak na makakasama sa balota habang 156 naman ang party-list groups.
Ang paghahain ng petisyon para ipadeklara o ipadiskwalipika ang isang kandidato dahil sa pagiging nuisance candidate ay pinalawig ng Comelec.
Ito ay dahil non-working day ngayon sa Maynila kung saan naroon ang punomg tanggapan ng Comelec, itinakda ang deadline ng pagsusumite ng petisyon sa Oktubre 16. Jocelyn Tabangcura-Domenden