Home NATIONWIDE 4 patay sa drone strike ng Hezbollah sa Israel

4 patay sa drone strike ng Hezbollah sa Israel

ISRAEL – Sinabi ng military ng Israel na apat na sundalo ang nasawi matapos ang drone strike ng Hezbollah sa isa sa northern bases nito, araw ng Linggo, Oktubre 13.

Ang pag-atake ay nangyari sa military training camp sa Binyamina, malapit sa Haifa.

Ito na ang may pinakamaraming nasawi mula nang simulant ang pag-atake sa mga base ng Israel noong Setyembre 23.

Ayon sa Iran-backed Hezbollah sa kaparehong araw, sinabi na naglunsad ito ng “a squadron of attack drones” sa Binyamina camp, nasa 30 kilometro timog ng lungsod ng Haifa.

Ang strike ay tugon sa pag-atake ng Israel, kabilang ang air strikes sa Beirut na kumitil sa buhay ng 22 katao.

Sa pahayag, nagbabala ang Hezbollah sa Israel na “what it witnessed today in southern Haifa is nothing compared to what awaits it if it decides to continue its aggression against our noble and dear people”. RNT/JGC