MANILA, Philippines – Iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na may motu propio power ang poll body para kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ng mga aspirante para sa 2025 midterm elections.
Kasabay ito ng ginagawang pagsusuri ng Comelec law department sa listahan ng mga tatakbong kandidato sa ibat-ibang posisyon na may perpetual disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno mula sa Ombudsman.
Ayon kay Garcia, may listahan ang kanilang law department ng mga nais kumandidato na pinatawan ng perpetual disqualification ng Ombudsman.
Ngunit kapag makakuha ng temporary restraining order mula sa Court of Appeals ay puwede itong maharang.
Sinabi ni Garcia na may limang petisyon na ring natanggap sa ngayon ang Comelec na nais ipakansela ang COC pero ito ay pawang sa mga nais tumakbo sa lokal na posisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden