Home NATIONWIDE Seguridad sa APMCDRR 2024 siniguro ng SPD

Seguridad sa APMCDRR 2024 siniguro ng SPD

127
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Southern Police District (SPD) director Police Brigadier General Bernard R. Yang ang buong paghahanda upang pasiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga kalahok sa Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR 2024) na nagsimulang maganap nitong Oktubre 14 at magtatapos ng hanggang Oktubre 18 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Kaugnay ng kahalagahan ng naturang international event, sinabi ni Yang na nagtalaga ang SPD ng kabuuang dedicated team na 269 personnel kung saan itatalaga agn mga ito sa iba’t-ibang mahahalagang lugar kabilang na ang Multi-Agency Coordinating Center (MACC), Police Assistance Desks, venue at perimeter security, at mobile patrols pati na rin ang pagbubuo ng specialized units kung saan napapabilang ang medical teams at EOD/K9 units na magpapaigting ang komprehensibong pagtugon sa seguridad.

Bago pa man magsimula ang nabanggit na komperensya at dumalo ang SPD sa serye ng critique sessions ng STG Metro Manila Coordinating Conference para sa APMCDRR 2024 na dinaluhan ng ibat’-ibang ahensya ng gobyerno kung saan iprinisenta ang Security and Deployment Plan ng SPD.

Kasabay nito ay nakapagsagawa na ng inspeksyon si Yang na siyang SSTG SOUTH APMCDRR 2024 at DDDO/Asst. STG Commander and Task Unit Security Commander Police Colonel Andres O Simbajon Jr. sa MACC at PICC upang masiguro ang kahandaan ng kapulisan.

Ang APMCDRR 2024 conference nna may temang “Surge to 2030: Enhancing ambition in Asia-Pacific to accelerate disaster risk reduction,” ay maglalahad ng kritikal na plataporma upang marebisa ang risk reduction efforts, pagbibigay ng innovative solutions, at makagawa ng actionable commitments na naghahangad na mabawasan ang panganib sa taong 2030 sa isa sa pinaka disaster-prone na rehiyon sa mundo.

Dagdag pa ni Yang na para masiguro ang zero-incident outcome sa gaganaping komperensya ay inatasan niya ang lahat ng kanyang itatalagang tauhan na manatiling mapagmasid sa kani-kanilang mga puwesto suportahan ang kanilang mga kasamahan partikular sa mga Police Assistance Desks, billets, at route deployments.

Sinabi rin ni Yang na layunin ng SPD na mapanatili ang zero-crime rate sa kabuuang pagsasagawa ng APMCDRR 2024 conference. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here