Home NATIONWIDE Notice of recruitment inilabas ng Las Piñas City police

Notice of recruitment inilabas ng Las Piñas City police

109
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng anunsyo ang Las Piñas City police para makapag-recruit ng mga residente sa lungsod na maging bahagi ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Las Piñas City police chief PCol. Sandro Tafalla na naglaan ng alokasyong quota ang local na kapulisan ng 43 slots para sa patrolmen at 5 slots naman para sa patrolwomen.

Ayon kay Tafalla, para matanggap ang isang aplikante ay kinakailangan na ang isang indibidwal ay residente ng Las Piñas; may good moral conduct; nararapat na maipasa ang psychiatric/psychological, physical, dental, at medical tests na in-administer ng PNP health service o accredited na ospital ng National Police Commission (NAPOLCOM); at drug tests sa ilalim ng Crime Laboratory group.

Dagdag pa ni Tafalla na ang mga aplikante hindi tatanggapin ang mga aplikante na na-discharge bilang empleyado ng militar o dili-kaya ay naideklarang na-absence without official leave (AWOL); tinanggal sa rolls ng PNP service o inalis sa anumnag posisyong sibilyan sa gobyerno; may mga naka-pending na kasong criminal sa korte pati na rin sa Office of the Ombudsman, o kahit ano pa mang kasong administrqatibong kinahaharap sa gobyerno bilang isang empleyado; at hindi nababasahan ng pinal na paghuhukom sa kinahaharap na kaso o krimen na may kaugnayan sa moral turpitude.

Sinabi pa ni Tafalla na nagsimula na silang tumanggap ng ng mga aplikante noong Oktubre 11 na magtataga na lamang ng hanggang Oktubre 18.

Maaaring bumisita ang mga interesadong aplikante sa Administrative Resource Management section ng Las Piñas City police para sa karagdagang impormasyon. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here