MANILA, Philippines – Sinabi ni Acting Trade Secretary Cristina Roque nitong Lunes, Oktubre 14 na posibleng ilabas nila sa susunod na buwan ang price guide para sa mga Noche Buena product.
Ito ay dahil pinag-aaralan pa rin ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) kung pagbibigyan nila ang hirit na price adjustments ng mga manufacturer.
“I still have to discuss with (the) Fairtrade Consumer Protection Group. But for now, our stand is no price increase,” ani Roque.
Sa nakalipas na dalawang linggo, sinabi ng opisyal na mas malawak ang sakop ng mga produkto ngayong taon na inihihirit ng mga manufacturer na magkaroon ng price adjustment kumpara noong nakaraang taon.
Noong 2023, naitala ang pagtaas sa presyo ng mga ham at fruit cocktail. RNT/JGC