Home NATIONWIDE Amihan season posibleng magsimula sa susunod na linggo – PAGASA

Amihan season posibleng magsimula sa susunod na linggo – PAGASA

99
0

MANILA, Philippines – Posibleng magsimula na sa susunod na linggo na maramdaman ang amihan o northeast monsoon na hudyat ng mas malamig na panahon habang papalapit ang Pasko.

Ang amihan season ay karaniwang nagsisimula sa pagitan ng ikalawang linggo ng Oktubre at kalagitnaan ng Nobyembre.

“Ang estimate po natin, possible by next week posibleng magkaroon na [ng amihan],” sinabi ni PAGASA weather forecaster Lorie Dela Cruz sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.

Sa ngayon ay easterlies pa rin ang nakakaapekto sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here