Home SPORTS Jackie Buntan vs Meksen kasado na ONE 169

Jackie Buntan vs Meksen kasado na ONE 169

141
0

MANILA, Philippines – Pormal nang ikinasa ng ONE Championship  ang laban ni Filipina-American kickboxing superstar Jackie Buntan.

Sasagpain ni Buntan si  Anissa “C18” Meksen para sa inaugural ng ONE Women’s Strawweight Kickboxing World Championship sa ONE 169: Malykhin vs. Reug Reug sa loob ng Lumpinee Stadium sa Nobyembre 9.

Makakukuha muli ng pagkakataon sa korona ang kinatawan ng Boxing Works matapos matalo sa kanyang unang pagtatangka sa Muay Thai belt nang mahulog siya kay Smilla “The Hurricane” Sundell.

Mula nang matalo sa Swedish teen phenom, umani si Buntan ng apat na kahanga-hangang tagumpay – kabilang ang isang todo-digma laban sa matigas na Martine Michieletto sa huling pagkakataon.

Natulak ang mahabang  tagumpay na iyon kay Buntan sa kickboxing contendership, na orihinal sa ONE Fight Night 23 noong Hulyo, ngunit kinailangan niyang mag-pull out dahil sa mga pinsalang natamo niya sa training camp.

Sakaling mapanalunan ni Buntan ang sinturon, siya ang magiging unang manlalaban na may lahing Pilipino na mananalo ng korona sa kickboxing o Muay Thai sa The Home of Martial Arts. JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here