Home OPINION SALUDO SA GOBYERNO LABAN SA ICC

SALUDO SA GOBYERNO LABAN SA ICC

147
0

MALALIM ang pinaghuhugutan ng pamahalaaang Marcos sa pagtanggi nitong bumalik ang Pilipinas bilang miyembro ng International Court of Justice.

Nitong nagdaang araw lamang, mismong si Executive Secretary Lucas Bersamin ang naghayag na hindi sasailalim sa hurisdiksyon ng ICC ang Pilipinas.

Ito’y makaraang udyukan ng mga militanteng kongresman at grupo ng mga abogado ang pamahalaang Marcos na gawin ito at kabilang sa mga pinagbabatayan umano ang testimonya ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma.

Sinabi ni Garma na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos ng pag-aalok ng reward para sa Oplan Tokhang, na kapareho raw ng “template” sa Davao.

Ayon kay Atty. Kristina Conti, ng National Union of People’s Lawyers, dapat umanong isumite ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang quad-comm investigation materials sa ICC para maisama sa pagpapatatag ng prosekusyon sa “crimes against humanity” sa Pilipinas ni Duterte at ilang kasamahan nito noong nakaupo pa siya.

Nagkaroon umano ng nasa 20,000 na namatay sa war on drugs ni Duterte simula noong Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MGA LIGAL NA BATAYAN

Sa mga pagdinig sa Kamara sa mga badyet ng mga ahensya ng pamahalaan, ipinaliwanag ni Solicitor General Medardo Guevarra na mismong ang mga huwes ng ICC ang hindi sumang-ayon sa pagsakop ng nasabing korte sa Pilipinas.

Ipinaliwanag nitong isa lang sa mga huwes ang nagpupursige samantalang ang Punong Hukom nito ay nagsabing wala sa panahon ang pagsasabing nasa hurisdiksyon ng ICC ang Pinas habang hindi naman nagbigay ng opinyon ang tatlo.

Dito na lumilitaw ang argumento ng mga kontra-ICC na gumagana ang lahat ng korte sa Pilipinas at sa ganitong kalagayan, hindi pupwedeng makialam ang ICC sa Pilipinas.

Isa mga batayang rule o patakaran ng ICC ang pagbabawal sa sarili na makialam sa mga krimeng gaya ng genocide, crime against humanity, aggression at iba pa sa isang bansa kung buhay na buhay ang mga korte na naggagawad ng katarungan.

Isa pa, kuwestiyunable ang pagpipilit ng ICC dahil lumilitaw na sa maliliit at mahihinang bansa lang ito kumikilos at wala itong ni isang daliri na itinatataas laban sa mga makapangyarihang bansa gaya ng Israel, United States, Europe at iba pang sangkot sa mga katakot-takot na pagpatay, halimbawa sa Gaza at Lebanon, sa gitna ng claim ng mga ito na kuta sila ng human rights.

Isa pa, gaya ng laging sinasabi ni Pang. Marcos mismo, dayuhang grup0 ang ICC at hindi pupwedeng mga dayuhan ang magmamando sa kung ano ang mga dapat nating sa loob ng ating bansa.

Kapag nangyari ito, ang soberenya ng Pilipinas o kapangyarihang mamahala sa sariling bansa ay mawawalan ng saysay.

Saludo tayo sa paninindigan ng Pilipinas na huwag isuko ang soverenya nito sa mga dayuhan.    

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here