Home ENTERTAINMENT KathDen movie, may part 3 na?

KathDen movie, may part 3 na?

208
0

Manila, Philippines- Hindi pa man playdate kundi sa isang buwan pa, usap-usapan na ang pagkakaroon ng Part 3 ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Matatandaang it took all of five years bago nasundan ang Hello Love Goodbye.

Ito nga ‘yung Hello Love Again.

Ayon sa mga nakapanood na ng advanced screening nito, hindi raw nagkatuluyan sina Joy at Ethan sa ending ng pelikula.

Si Joy ay ginagampanan ni Kathryn, si Ethan naman ay si Alden.

Habang sinusulat ito’y tiba-tiba ang pagpapalabas nito sa SM Bacoor.

Doon pa nga lang daw ay malaki na ang kinita ng mga nagprodyus nito–ang Star Cinema at GMA Pictures.

Ang goal pala ng nasabing reunion movie is to reach the P1.5 billion mark.

Kapag nagkataon, mauungusan nito ang Rewind na pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na umabot sa P1.2 billion ang kinita mula sa MMFF at Netflix put together, maging sa abroad.

Kung totoo ngang may part 3 ang KathDen movie, ano naman kaya ang magiging pamagat nito?

For sure, retained in the title are the words “hello” and “love.”

At kung natuloy pala ang pelikula nina Kathryn at Daniel Padilla na isu-shoot sa San Francisco, wala sanang Part 2 ng KathDen movie.

Nagkataong naghiwalay pa ang KathNiel! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here