KABILANG ang Pilipinas sa itinuturing na ‘most food insecure nation’ sa Southeast Asia mula 2021-2023.
Batay sa data mula sa UN Food and Agriculture Organization, sinabi ng think tank Ibon Foundation na ang Pilipinas ang nasa unang puwesto na may 51 milyong Filipino ang nakararanas ng ‘moderate o matinding food insecurity, base sa ‘absolute numbers.’
Kung titingnan ang porsiyento na may kaugnay sa populasyon ng bansa, ang Pilipinas ay nasa pangatlong puwesto, sumunod sa Timor Leste at Cambodia.
Sinasabing 44.1% ng populasyon sa Pilipinas ang nakaranas ng food insecurity, sumunod sa Timor Leste na may 53.7% at Cambodia na 50.5%.
“Pinapakita niya sa pinaka batayang pangangailangan, hirap na hirap pa rin ang karaniwang Pilipino na makabili ng sapat na pagkain para sa kanya na minimum na pangangailangan,” ayon kay Ibon Foundation Executive Director Sonny Africa.
Sinabi ng Africa na ang food insecurity ay sinusukat sa pamamagitan ng food prices at abilidad ng mga Filipino na bumili ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Kahit pa ang presyo ng pagkain sa Pilipinas ay mababa kumpara sa ibang bansa sa Southeast Asia, nahihirapan pa rin ang mga Filipino na makagawa ng paraan para bumili ng sapat na pagkain para sa kanilang pamilya.
“Pati ang murang pagkain, hindi nila kaya. Hindi lang sya sa food availability o magkano siya, depende rin ito kung may kakayanan ang bawat Pilipino na bumili,” ang sinabi ng Africa.
Ukol naman sa UN World Food Day, iba’t ibang militanteng grupo ang nagtipon-tipon sa Central Office ng Department of Agriculture, may bitbit na walang laman na kaldero at kawali na nagpapahiwatig na kakulangan ng about-kayang pagkain sa bansa.
Sa kabilang dako, sinabi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas s na habang Pangulo ay committed na dalhin ang food security sa bansa, maraming Filipino ang nananatiling gutom. Ito ayon sa kanila ay ‘biggest legacy’ ng administrasyong Marcos.
Gayunman, sinabi ng Department of Agriculture na kinilala nito ang kahalagahan ng pagkain na “a basic essential integral in human life”.
Sinabi pa ng ahensiya na “access to adequate and nutritious food is not a privilege but a fundamental human right.”
“This is the forty-third successive year in which the Filipino people have joined 149 other nations around the world in the observance of World Food Day,” ang sinabi ni Usec. Roger Navarro ng Department of Agriculture .
“Our fight against hunger is one of the enduring global human rights causes of our time. It is a battle fought on a worldwide front—and we are fortunate to have allies in organizations like the FAO fighting the same battle with us,” ang dagdag na wika nito. Kris Jose