Home OPINION OUT OF LINE VIOLATION NG MGA TAXI DAPAT MAGING MALINAW (Part 1)

OUT OF LINE VIOLATION NG MGA TAXI DAPAT MAGING MALINAW (Part 1)

144
0

DALAWANG magkaibang kaso tungkol sa ‘taxi out of line’ ang idinulog sa Lawyers for Commuters Safety and Protection o LCSP.

Una, isang taxi driver ang hinuling engaging in ‘colorum operation’ dahil ang pasahero niyang nakuha sa Ninoy Aquino International Airport ay nagpahatid sa San Mateo, Rizal dahil ang ruta ng taxi niya ay “Pasay to any point in Metro Manila” lang.

Rizal na ang San Mateo, kahit na katabi lang ito ng Marikina at tulay lang ang pagitan sa Quezon City.

Pangalawa ay isang pasaherong nagpapahatid ng Cavite galing Las Piñas ay tinanggihan ng driver dahil “Quezon City to any point of Metro Manila” lang daw ang linya niya.

At ang Cavite ay hindi na Metro Manila kahit na malapit na ito ng Las Piñas. Duda ng pasahero ay umiiwas lang siya sa traffic at inireklamo ng pasahero ang driver ng “Refusal to Convey Passenger”.

Sa isang tambayan ng taxi drivers ang tinanong ko ng pananaw nila sa dalawang kasong ito. Tila ba wala silang ilulugar dahil sa una hinuling “out of line” habang ang pangalawa naman ay “refusal to convey passenger”.

Sa point ng pasahero ang mahalaga ay isinakay sila at ihatid. Bihira o baka walang itatanong muna ng pasahero kung ang taxi ay Metro Manila lang o Mega Manila or to any point of Luzon.

Pero sa driver na namimili ng pasahero lusot siya pag nireklano ng “Metro Manila lang ruta niya”. Pero sa totoo ay ginagamit na rason ito para mangontrata at hindi gumamit ng metro.

Mukhang kailangan tingnan ng Land Transportation and Franchising Board at Land Transportation Office ang problemang ito. Lalo na magpapasko at problema na naman ang tinaguriang mga isnaberong taxi driver.

Ang mungkahi ng LCSP ay gawing Mega Manila na ang Metro Manila Taxi Routes.

Ang Metro Manila ngayon ay hindi na gaya ng dekada seventies o eighties na ang Rizal, Bulacan, Cavite, Laguna ay probinsya pa.

Ngayon ay libu-libo na ang ‘everyday motorists’ at ‘commuters’ na galing sa karatig probinsya na ang trabaho ay sa Metro Manila.

Ang konseptong Mega Manila ay hindi na bago sa transportasyon dahil may mga taxi na Mega Manila. Kawawa naman ang mga pasahero na walang masasakyan o kung meron man ay tinatanggihan o sinisingil ng malaki.  (MAY KARUGTONG)

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here