Home NATIONWIDE 7 dedo sa strike ng Israel sa paaralan sa Gaza

7 dedo sa strike ng Israel sa paaralan sa Gaza

192
0

GAZA – Patay ang pitong Palestinians sa nangyaring strike ng Israel sa isang paaralan sa Gaza.

Ayon sa ulat, ang pag-atake ay nangyari sa Shati Camp na matatagpuan sa Asmaa School kung saan tumutuloy ang ilang mga lumikas na residente maging ang mga rescuer.

Sinabi ni Civil Defense Officer Abdullah Al-Majlawi na tinarget ang ilang mga klasrum sa lugar.

Nagpapatuloy naman ang paghahanap sa mga nawawalang indibidwal na posibleng natabunan ng guho.

Nitong Sabado, matatandaan na nasa 32 katao rin ang nasawi sa kabi-kabilang strike ng Israel sa Gaza Strip. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here