Home NATIONWIDE Byahe ng ilang sasakyang pandagat sa Bicol, kanselado kay Kristine

Byahe ng ilang sasakyang pandagat sa Bicol, kanselado kay Kristine

154
0

MANILA, Philippines – Kanselado ang byahe ng sasakyang pandagat sa ilang lugar sa Bicol Region.

Sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG), ang kanselasyon ay bunsod ng masamang panahon dulot ng bagyong Kristine.

Sa magkahiwalay na sea travel advisory, sinabi ng Coast Guard Station – Catanduanes na dahil nakataas ang signal number 1 sa probinsya ay suspendido muna ang byahe ng lahat ng uri ng sasakyang pangdagat.

Suspendido naman ang byahe ng lahat ng sasakyang pandagat na may bigat na 250 gross tonage pababa sa Eastern seaboard ng Bicol.

Ayon ito sa abiso naman ng coast guard station Camarines Norte na dahil sa moderate hanggang sa inaasahang malalakas na hangin.

Ang mas malalaking barko naman, pinag-iingat sa malalaking alon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here