Home OPINION KUMPREHENSIBONG KAALAMAN UKOL SA BREAST CANCER, PART 1

KUMPREHENSIBONG KAALAMAN UKOL SA BREAST CANCER, PART 1

149
0

BILANG pakikiisa ng inyong Agarang Serbisyo Lady sa obserbasyon ng buong buwan ng October bilang “Breast Cancer Awareness Month” (BCAM) na pinapangunahan ng World Health Organization (WHO), tatalakayin ko ang mga kumprehensibong kaalaman na dapat nating matutunan kaugnay sa mapanganib na breast cancer.

Ito ngayon ang “second most commonly diagnosed cancer in the world” kung saan 2.3 million na kababaihan ang may ganitong karamdaman at nagiging dahilan ng pagkamatay ng nasa 670,000 na kababaihan bawat taon. Sa bilang na ito, nasa 230,000 ang kalalakihan.

Sa datos ng Philippine Society of Medical Oncology, nitong 2022 ay may naiulat na 33,079 na panibagong kaso ng breast cancer sa bansa, ito ang pangunahing kanser na pumapatay sa kababaihan. Ang Pilipinas din ang may pinakamataas na kaso sa buong Asya.

KANSER SA SUSO. Ito ay isang uri ng kanser na nagsisimula bilang paglaki ng mga selula sa tisyu ng suso. Pagkatapos ng kanser sa balat, ang kanser sa suso ang pinakakaraniwang uri ng kanser na nasusuri sa kababaihan. Subalit, hindi lamang mga babae ang maaaring magkaroon ng kanser sa suso, lahat ng tao ay ipinanganak na may bahagyang tisyu ng suso, kaya’t kahit sino ay maaaring magkaroon ng kanser sa suso – mapababae man o mapalalake. Iyon nga lang, higit na madalas ang kasong ito sa mga kababaihan.

Ang survival rate o tsansa ng paggaling mula sa kanser sa suso ay patuloy na tumataas at ang bilang ng mga namamatay ay patuloy na bumababa. Dahil ito sa malawak na suporta para sa kamalayan sa kanser sa suso at pagpopondo para sa mga pananaliksik.

Ang mga pagsulong sa screening ng kanser sa suso ay nagpapahintulot sa mga propesyunal sa kalusugan na mas maagang masuri ang kanser sa suso. Ang maagang pagkakatuklas sa kanser ay mas maigi para ito ay magamot.

Kahit na hindi magamot ang kanser sa suso, maraming mga paggamot ang nagagamit upang pahabain ang buhay. Ang mga bagong tuklas sa pananaliksik ukol sa kanser sa suso ay tumutulong sa mga propesyunal sa kalusugan na pumili ng pinaka-epektibong mga plano ng paggamot.

Bukas, ipagpapatuloy ng inyong Agarang Serbisyo Lady ang health concern tungkol sa breast cancer.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here