Home OPINION OIC-EPD MAY DALANG MAKABAGONG PARAAN SA PAGLABAN SA KRIMEN

OIC-EPD MAY DALANG MAKABAGONG PARAAN SA PAGLABAN SA KRIMEN

154
0

BAGO na district director ng Eastern Police District dahil ang dating hepe na si PBGen Wilson Asueta ay natalaga na sa Area Police Command -Southern Luzon.

Ang pumalit kay Asueta ay mula sa Anti-Cybercrime Group na si PCol Villamor Q. Tuliao. Itinalagang

Officer-in-charge ng EPD si Tuliao sampung araw mula nang maupong acting regional director si PMGen Sidney Hernia na mula rin sa ACG bago napunta sa Personnel Records and Management.

Tulad ni Hernia, na may malasakit sa mga tauhan at mamamayan na kanyang nasasakupan, si Tuliao ay ganoon din. Nais ni Tuliao na paunlarin ang kakayahan ng mga pulis ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan o PaMaMaRiSan, sa panahon ng kanyang pamumuno sa nasabing mga bayan.

Pag-aaralan ni Tuliao ang takbo ng kalakalan at pamumuhay ng mga mamamayan sa Eastern part ng Metro Manila  nang sa ganoon ay hindi na mahirap para sa kanya at mga pulis na nakatalaga sa lugar na ipatupad ang kanilang trabaho at responsibilidad – pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.

Batid ni Tuliao na kapag maayos ang pamayanan, magiging maayos din ang kalakalan na mag-aangat sa ekonomiya ng bansa. Marami, sabi ni Tuliao, na mga tanggapan na nagbibigay ng kabuhayan sa mamamayan dahil sa trabaho at buwis sa bayan dahil sa kita ng negosyo kaya dapat alagaan ang mga ito.

Sabi pa ng miyembro ng Philippine National Police Academy Kaagapay alumnus, kapag maayos ang pamayanan, tiyak na maraming investor o negosyante lalo na dayuhan ang maeenganyo na maglagak ng negosyo sa ating bayan.

Kaya naman, upang malabanan ang krimen sa kanyang area of responsibility, magpapakilala siya ng mga bagong approach sa paglaban sa krimen at siyempre kasama na ang paggamit ng mga bagong teknolohiya. Hindi naman bigla, subalit unti-unti ay sasanayin ang mga pulis sa paggamit ng makabagong approach at technology.

Kaya naman mga taga PaMaMaRiSan, samahan natin si Tuliao na isaayos ang kapayapaan dyan sa kanyang nasasakupan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here