Home OPINION KAMPANYA KONTRA SMUGGLING

KAMPANYA KONTRA SMUGGLING

153
0

DALAWANG magkasunod na batas ang inaprubahan upang palakasin pa ang kampanya laban sa ‘smuggling,’ partikular ng  ‘agricultural products.’

Batay sa Administrative Order 23, muling ibabalik ang ‘pre-shipment inspection’  gamit ang serbisyo ng mga ‘accredited’ “Testing and Inspection Companies” para sa epektibong implementasyon ng ‘digital pre-border technical verification/cross border electronic invoicing’ sa lahat na produkto na pumapasok sa bansa. Ang mga TICs, sabihin pa ay mga pribadong kompanya.

Bantayan natin itong mabuti mga kabayan dahil itong “eksperimento” sa PSI kontra smuggling ang isa sa pinakamalaking raket sa BOC noong Ramos administration gamit ang kumpanyang ‘SGS.’

Natigil/nakontrol ba ang smuggling at tumaas ang buwis ng Bureau of Customs? Hindi.

Pero maraming kumita dito kasama na ang mga congressman at senador noon, hihihi!

Hmm. Bakit kaya gusto itong ibalik ngayon? May mga tao ba talagang… walang kabusugan?

Nitong Setyembre 26, “pinalakas” naman (daw) ng RA 12022 (Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, kaya pinalitan, ang RA 10845 (An Act Declaring Large-scale Agricultural Smuggling As Economic Sabotage), batas na “pinaghirapan” ni Sen. Cynthia Villar noong 2016.

Pansinin na kasabay sa pagiging Pangulo, pinamunuan din ni Pangulong Bongbong Marcos ang Department of Agriculture at masasabing ang mga hakbang na ito ay bunga ng kanyang pagsisikap na maprotektahan ang ating mga magsasaka at sektor ng agrikultura.

Sa ilalim ng AGES, bukod sa “hebigat” na parusa, magkakaroon din ng ‘daily price index’ upang alam ng publiko ang presyo ng pagkain at mga ‘agri product.’

May bago ring ‘enforcement group’ sa ilalim ng batas, na hindi na bago sa atin. Dangan kasi, bawat administrasyon may sariling ‘anti-smuggling group.’

Kung totoong ‘Task Force’ at hindi ‘Ask Force,’ malalaman natin.

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here