Home METRO 14 kalsada isinara sa hagupit ni ‘Kristine’

14 kalsada isinara sa hagupit ni ‘Kristine’

112
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Bureau of Maintenance na 14 kalsada ang isinara sa Regions V (Bicol) at VIII (Eastern Visayas) dahil sa bagyong “Kristine.”

Ayon sa DPWH, mula alas-12 ng madaling araw ng Okt. 23, ang mga isinarang kalsada ay dahil sa matinding pagbaba, lanslides, rockslides, mga natatangay na mga debris at pagguha ng kalsada.

Ang DPWH team na binubuo ng 7,952 manpower na may 1,837 equipment ay mahigpit na binabantayan ang sitwasyon.

Handa naman ang team na isagawa ang road clearing operations sa sandaling gumanda ang panahon.

Mahigpit na pinapayuhan ang mga manlalakbay na maghanap ng mga alternatibong ruta at mag-ingat sa mga apektadong lugar.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here