Home ENTERTAINMENT GMA7, may bagong itatapat sa BQ!

GMA7, may bagong itatapat sa BQ!

163
0

Manila, Philippines – Balitang pinaghahandaan na ng GMA ang itatapat nila sa Batang Quiapo.

Definitely, the upcoming primetime series will replace Pulang Araw.

‘Di nga umubra ang napakaganda pa manding historical action-drama, gaano nakakatiyak ang GMA na maitutumba nila ang BQ?

BQ’s rival show–may “bata” rin sa pamagat.

Ito’y ang action-drama na Mga Batang Riles.

In the cast are Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos at tatlong “the who.”

In fairness, based on the teaser ay mukha namang promising ang nagbabantang pataubin ang powers ni Tanggol.

Coco versus Miguel?

Ganoon na nga ang mangyayari at seryoso ang GMA.

Kung tutuusin, hindi ‘yun ang unang pagkakataon na head-on collision sina Coco at Miguel.

Nauna silang nagtapat sa Voltes V: The Legacy na kinalauna’y inilampaso rin ng BQ nang bonggang-bongga.

Eh, ilan na nga ba ang nangahas na igupo si Tanggol pero hindi nagtagumpay ang mga ito.

Ang inakala nga nating Pulang Araw, hindi nakalusot to think na ang taas na ng production value nito, ‘no!

Kunsabagay, libre lang ang mag-ilusyon, este, mangarap! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here