GAZA – Sinabi ng health ministry ng Hamas-run na Gaza na dalawang bata ng nasawi sa isang ospital matapos tamaan targetin ng Israel ang oxygen equipment na ginagamit ng mga biktima.
“Two children have died in the intensive care unit after the hospital’s generators failed and the oxygen station was targeted,” saad sa pahayag ng health ministry tungkol sa Jabalia refugee camp sa sa Kamal Adwan Hospital.
Sinabi na ang Israeli forces “are searching the hospital and firing within different departments, increasing the panic and anxiety.”
Dumipensa naman ang Israeli army at sinabi na sila ay “not aware of live fire and strikes in the area of the hospital.”
Nasa 600 katao ang nasa loob ng ospital kabilang ang mga pasyente, medical staff at iba pa.
Nitong Biyernes, sinabi ng Israeli military na nag-operate ang kanilang pwersa sa ospital sa Jabalia camp, kung saan naglunsad ito ng major operation ngayong buwan.
Sinabi ng ministry na daan-daang staff, pasyente, at displaced people ang dinetain ng militar sa nangyaring raid. RNT/JGC