Home METRO Lalaking ‘nahulog’ sa underpass sa QC pisak sa trak

Lalaking ‘nahulog’ sa underpass sa QC pisak sa trak

86
0

MANILA, Philippines- Dedo ang isang lalaki matapos mahulog umano mula sa Aurora underpass northbound sa Quezon City at bumagsak sa dumaraang tanker truck saka magulungan ng sasakyan nitong Linggo.

“Nanggaling kasi kami ng Pasig magde-deliver kami ng oxygen doon sa Pampanga. Ngayon pagdating dito, nagulat na lang ako parang kung anong bagay na nahulog dito banda, pagkagulat ko, nag-full stop ngayon ako, pag nag-full stop ako loaded ‘yan eh hindi naman agad hihinto ‘yan,” pagbabahagi ng driver ng tanker truck.

“Parang may naramdaman ako, may nagulungan, kaya inantay ko na lang na kinumpirma ko kung ano ‘yung nagulungan ko. May nagsabi na sa akin, tao daw ‘yung nagulungan ko kaya inantay ko na lang na may dumating na imbestigador,” dagdag niya.

Gumugulong na ang imbestigasyon sa insidente. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here