Home OPINION KANDIDATONG HINDI KILALA, NUISANCE BA? (PART 1)

KANDIDATONG HINDI KILALA, NUISANCE BA? (PART 1)

182
0

AYON sa Section 69 ng Omnibus Election Code, a nuisance candidate is one who files a certificate of candidacy to:

  1. a) To put the election process in mockery or disrepute, or,
  2. b) Cause confusion among the voters by the similarity of the names; c) In other circumstances which clearly demonstrate that the candidate has NO bonafide intention to run for the office and to prevent a faithful determination of the true will of the electorate.

Pero ‘di ba ayon sa Constitution Art 11, section 26 that the: State shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties AS MAY BE DEFINED BY LAW.

Ganoon pa man, maaaring ideklara ng Commission on Elections ang isang kandidato na ‘nuisance candidate’ kung mapatutunayan na ang kanyang kandidatura ay isa sa tatlo sa Section 69 ng election code.

Maaari bang ideklarang nuisance ang kandidato na “walang financial capacity to sustain the rigors of waging a national campaign?

Sabi ng Korte Suprema: In Marquez vs Comelec (G.R. no. 244273, 03 September 2019) The Supreme Court declared invalid the act of COMELEC in declaring someone a nuisance candidate on the ground of failure to prove financial capacity to sustain the rigors of waging a nationwide campaign.

Ibig sabihin ay kung isang kandidato sa pagka-senador ay walang pera na sasapat sa isang nationwide campaign ay hindi siya maaaring ideklara na nuisance candidate. Kaya’t may mga kandidatong senador na wala mang bilyon-bilyong salapi tulad ng mga llamadong kandidato ay maari pa rin siyang kumandidato. Kaya lang, ang chance na manalo ay napakaliit lang.

Bigay tayo ng mga halimbawa: Naghain ng kandidatura ang isang nagngangalang Philip Salvador. Pero hindi siya ang artista. Milyonaryo siya, may propesyon at kaya gumastos sa isang national campaign. Pero kapangalan siya ng mas sikat na artistang Philip Salvador. Maituturing ba na nuisance candidate ang kapangalang Philip Salvador?

Himayin natin. Will his candidacy put the election process in mockery or disrepute? Hindi dahil kapangalan lang niya ang artista at kung tutuusin ay mas mayaman siya, may propesyon pero hindi nga lang sikat. Pero baliktarin natin ang tanong, ang kandidatura ba ng artistang Philip Salvador will put the election process in mockery or disrepute? (MAY KARUGTONG)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here