Home HOME BANNER STORY Ex-PRRD dumalo sa Senate probe sa drug war

Ex-PRRD dumalo sa Senate probe sa drug war

158
0

MANILA, Philippines- Dumating si dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng umaga sa Senado upang harapin ang imbestigasyon ng blue ribbon committee sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Duterte na ipinatupad niya ang madugong anti-drug campaign upang protektahan ang mga Pilipino.

“I did what I had to do because kailangan kong gawin. Why? To protect the people and my country,” giit ng dating chief executive.

Nang tanungin kung mayroion siyang pinagsisisihan sa kampanya, sinabi ni Duterte, “Drug war, well, it is for the Filipino to make the judgment.”

Iniimbestigahan din ng House of Representatives Quad Committee ang kampanya ng Duterte administration laban sa illegal drugs.

“I am here to make an accounting of what I did as President, so walang problema,” ani Duterte.

Ayon pa kay Duterte, umaaasa siyang magkakaroon ng patas na pagtrato sa Senate probe.

Batay sa tala ng pamahalaan, mayroong hindi bababa sa 6,200 drug suspects ang napatay sa police operations mula June 2016 hanggang November 2021, subalit ayon sa ilang human rights groups, posibleng umabot hanggang 30,000 ang bilang dahil sa hindi naiulat na mga kaugnay na pagpaslang. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here