Home OPINION KANDIDATONG HINDI KILALA, NUISANCE BA? (PART 2)

KANDIDATONG HINDI KILALA, NUISANCE BA? (PART 2)

92
0

ANG pagkandidato ba nang hindi kilalang Philip Salvador will cause confusion among the voters by the similarity of names? Dito sa dahilang ito ay maari. Pero sino sa dalawang Philip Salvador will cause confusion among voters?

Sa pangatlong test, ang kandidatura ba nang hindi artistang Philip Salvador “clearly demonstrate that the candidate has no bonafide intention to run for office and prevents a faithful determination of the true will of the electorate? Alin sa dalawang Philip Salvador have no intention to run for senator?

Ngayon ibahin natin. Ang dalawang Philip Salvador ay tumakbong konsehal sa maliit na bayan. May ground ba ma disqualify ang isa?

Kamakailan ay naglabas ng rekomendasyon and legal department ng Comelec na 66 candidates out of 183 na nagfile ay aprubado na tumakbong senador. Ilan sa mga rekomendadong kandidato ay mga independent candidates. So, ibig sabihin kahit wala o maliit ang ‘chance’ manalo ang kandidato ay maari siyang tumakbo. Opo, dahil ayon ‘yan sa Saligang Batas na ”equal access to opportunities for public service”.

Pero ‘di ba dapat ideklara na nuisance candidate kapag ang ‘candidacy’ niya’ will put the election process in mockery or disrepute’? Ano ba ibig sabihin ng to put the election process in mockery or disrepute? Mockery is to ridicule o sa tagalog pangungutya at disrepute ay kasiraan. Kaya kung ang kandidato ay isang pangungutya o nagbibigay kasiraan sa halalan, dapat lang siya ideklarang nuisance candidate kahit gaano pa ang pera niya o sobra kasikatan niya. Gagamitin lang ang halalan para sa sariling interes niya. Sa 66 na pinayagang kumandidatong senador,  lahat ba sila ay pasado rito?

Paano naman yun “no bonafide intention to run for office and to prevent a faithful determination of the true will of the electorate”?  Ito yun mga tumatakbo para sirain ang boto ng isang kandidato? O di kaya kumandidato para manira lamang?

So, hindi “winnability” ang basehan para mag-deklara ng nuisance candidate. Sa totoo lang, kung susuriin ng taumbayan at pag-aaralan ang plataporma ng ilang hindi kilalang kandidato ay mas marami tayong pagpipilian kaysa sa mga kilalang kandidato dahil lang sa kayamanan at kasikatan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here