Home METRO ₱340K shabu nakumpiska sa Parañaque buy-bust ops

₱340K shabu nakumpiska sa Parañaque buy-bust ops

131
0

MANILA, Philippines – Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Parañaque City police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang drug suspect na nakuhanan ng ₱340,000 shabu Sabado ng umaga, Nobyembre 2.

Sa report na isinumite ni Parañaque City police officer-in-charge P/Col. Melvin Montante kay Southern Police District (SPD) director Brig. Gen. Bernard Yang ay nakilala ang inarestong suspect na si alyas Nald, 46.

Sinabi ni Yang na nadakip ang suspect sa ikinasang operasyon ng SDEU dakong alas 6:50 ng umaga sa Banner Avenue, Barangay San Antonio, Parañaque City.

Ayon kay Yang, sa isinagawang operasyon ng SDEU ay narekober sa posesyon ng suspect ang isang knot-tied transparent plastic na naglalaman ng 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱340,000, cellular phone, coin pouch, at ang ₱1,000 buy-bust money na ginamit sa operasyon na nakapaibabaw sa 47 piraso ng boodle money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspect na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Parañaque City police.

Pinuri naman ni Yang ang Parañaque City police sa pagkadakip ng suspect at nagsabing ang pagsasagawa ng ganitong uri ng operasyon ay importante sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa komunidad gayundin sa kaligtasan ng mga residente ng lungsod. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here