Home ENTERTAINMENT Osang, bet makipagbati kay Ai Ai

Osang, bet makipagbati kay Ai Ai

108
0

Manila, Philippines – Hoping against hope.

Ito pa rin ang katayuan ni Rosanna Roces na umaasang magkakaayos silang muli ng dating malapit na kaibigan na si Ai Ai de las Alas.

Nagbalik-tanaw si Osang (tawag kay Rosanna) noong panahong sanggang-dikit sila ng komedyana.

More or less, that was 20 years ago.

Ani Osang: “”Yung pagkakaibigan namin, totoo! Sobrang saya, sobrang nakakatawa!”

Ito raw ang pinanghihinayangan niyang nawala, na dalangin niya’y manumbalik uli.

Pero ano nga ba ang pinagmulan ng kanilang ‘di pagkakaunawaan?

“Kalakasan ng mga show namin noon. May show kami sa Dagupan, pero bago ‘yon, nag-show sila roon ni Ara Mina kaso, flop!” panimula ni Osang.

Wala raw kaalam-alam si Osang na tinanggal ng kanilang Dagupan show producer si Ai Ai for whatever reason.

Siguro raw ay sumama ang loob ni Ai Ai sa kanya.

While their friendship had since screeched to a halt, ang maganda raw doon, kahit magkaaway na sila’y never silang nagsiraan ni minsan.

Sa parte naman ni Ai Ai, consistent ito sa pagsasabing “No comment!” pag inuurirat sa kanya si Osang.

“Basta ako, no comment for life!” ang paboritong linya ni Ai Ai sa press.

Kay Osang na rin nanggaling na their rift has been 20 years, wala naman daw sugat na hindi kayang maghilom through time.

Handa na nga raw siya sa pakikipag-ayos kay Ai Ai kahit puntahan pa raw niya ito saanman ito matatagpuan.

”’Yun ang nami-miss ko, sana bumalik kami sa dati. Sana handa na rin siya,” punumpuno ng pag-asang sabi ni Osang.

Sa ngayon ay nagpapagaling ng broken heart si Ai Ai dahil sa paghihiwalay nila ng asawang si Gerald Sibayan.

Bukod kay Ai Ai, are there other people from showbiz Osang hopes to smoke peacepipe with, tulad ng dati niyang manager na si Lolit Solis o dating kaibigan sa press na si Cristy Fermin? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here