Home ENTERTAINMENT Martin at Pops, baliw na baliw sa apo!

Martin at Pops, baliw na baliw sa apo!

143
0

Manila, Philippines – Nakita na nga ng mga first-time grandparents na sina Martin Nievera at Pops Fernandez ang kanilang unang apo sa Amerika.

Ito’y si Baby Finn, anak ng panganay nilang anak na si Robin.

Finn’s mom is Mian Acoba.

Tamang-tama ang pagkakataong masilayan ng lolo’t lola ang bata.

Sa ibinahaging larawan ni Pops sa Instagram, makikitang karga-karga niya si Finn.

Si Martin naman ay makikitang kinakausap ng “gibberish language” ang apo at may playful face pa.

“They understand each other,” caption ni Pops habang nilalaro ni Martin si Finn ng peek-a-boo.

In a separate instance, nakasama rin nina Robin, Mian at Baby Finn si Martin kasama ang karelasyon nitong si Anj del Rosario.

Matatandang excited na si Pops noong ipinagbubuntis pa lang ni Mian si Finn.

For a change daw ay ayaw niyang patawag na “lola” kundi ibang form of address na “Lollipops.”

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay maraming taon na ang nakakaraan, Martin and Pops have managed to perform together before SRO crowds here and abroad.

Dalawa ang naging supling ng ex-couple, the other one being Ram. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here