Home HOME BANNER STORY Martial law sa SoKor, binawi na

Martial law sa SoKor, binawi na

148
0

SOUTH KOREA – Binawi na ni South Korean President Yoon Suk Yeol nitong Miyerkules, Disyembre 4 ang deklarasyon niya ng martial law, gabi ng Martes.

Ito ay bilang pagkilala sa parliamentary vote laban sa naturang hakbang.

Matatandaan na idineklara ni Yoon ang martial law nitong Martes ng gabi para pigilan umano ang “anti-state forces” na kalaban ng pamahalaan.

Sa kabila nito, ikinagalit ng ilang mambabatas ang deklarasyon ng martial law at agad na nagtipon-tipon ang mga tutol dito sa labas ng parliament.

Nasa 190 mambabatas ang bumoto tutol sa deklarasyon ng martial law.

Sa ilalim ng batas ng South Korea, dapat na alisin ng Pangulo ang martial law kung makakuha ng majority ng boto ng parliament na alisin ito.

Mismong ang kanyang sariling Partido ang humimok kay Yoon na alisin ang kautusan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here