Home OPINION ERC PANAY-PANAY PAGPAPABANGO

ERC PANAY-PANAY PAGPAPABANGO

191
0

MULA nang bumalik sa Energy Regulatory Commission itong nasuspindeng chairperson na si Mona Dimalanta panay-panay na umano ang ginagawang press release.

Naghihinala tuloy ang marami na nagpapasikat lang ito upang mawala na sa alaala ng marami ang kanyang suspensyon na ipinataw ng Office of the Ombudsman.

Anim na buwan ang ipinataw na suspensyon ng Ombudsman kay Dimalanta subalit kaagad din namang ipina-utos ang pagtanggal ng suspensyon kaya naman nakabalik agad ang chairperson ng ERC sa kanyang pwesto.

Nitong Nobyembre, nagpapalabas ng press release ang ERC kung saan pinapatawan nito ng P12.3 milyon multa ang National Grid Corporation of the Philippines dahil sa pagkaantala ng 27 transmission infrastructure projects na dapat sana ay agarang ipinatupad ng huli.

Sinabi nitong ERC na hindi nabigyang katwiran ng NGCP ang pagkaantala ng mga proyekto kung kaya’t kailangang bayaran nito ang ipinataw na multa sa loob ng 15 araw matapos matanggap ang kautusan.

Mukhang kaya hindi tinanggap ng ERC ang katwiran ng NGCP ay dahil mukhang sila talaga ang dahilan ng pagkadelay ng proyekto na naunang sinabi ng ERC na pwede namang ipatupad kahit walang approval ng kanilang tanggapan.

Nasambit na lang ng isang netizen ang mga katagang “Ha? Talaga lang?”

Eh kung ganoon nga naman ang katwiran ng ERC, ano ba ang silbi nila? Balikan kaya nila ang kanilang mandato.

Nang lumabas ang balita na pinagmumulta ng ERC ang NGCP, maraming naglabasang comment sa Facebook na binabanatan ang nasabing tanggapan ng pamahalaan.

Sabi ng isang Juana Dela Cruz, “Gipit kaya ang ERC kaya nagagawa nitong manggipit?”

Idinahilan ng ERC sa kanilang press release na kaya pinagmulta ang NGCP ay dahil magiging malaki ang epekto nang hindi kaagad pagpapatupad ng transmission infrastructure projects dahil malaki ang epekto nito sa transmission system at cost of electricity na binabayaran ng mga consumer.

Teka nga. Nag-iisip bai tong ERC lalo na ang chairperson nitong si Dimalanta? Aba’y hindi ba’t dahil sa multang ibinabayad sa kanila ay tiyak na sa kliyente rin nila babawiin?

Kung hindi man sila pwedeng sisihin sa pagkaantala  ng proyekto, aba’y siguro naman, pwede silang sisihin sa mataas na singil sa kuryente.

Kung hindi kayang tanggapin ng ERC na may bahagi sila sa naging kapalpakan ng NGCP, aba, siguro panahon na para buwagin ng Palasyo o kaya naman ng Kongreso ang tanggapang ito total naman ay wala silang silbi.

Maaring hindi lang nagsasalita ang NGCP pero malamang gumagawa rin ang mga ito ng hakbang upang hindi naman ganito kalaki ang kanilang babayaran sa pamahalaan. Kasi naman, alam nitong NGCP sa sarili nila na sa taumbayan din naman kukunin ang ibabayad nila sa ERC.

May isa ring nagkomento sa FB na mukhang gumamit lang ng alyas pero ayon dito, panay lang naman ang pagpapabango ng pangalan nitong si Dimalanta pero marami ring palpak sa trabaho nito.

Sabi naman ng isang Juan Dela Cruz, mukhang malakas talaga ang kapit nitong si Dimalanta dahil noong Agosto ay tila itinatatwa na siya ng padrino niya pero ngayon mukhang “back in each other arms” na sila o sa madaling salita “together again”.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here