Home OPINION ‘AAA’ CRIME SCHEME NI GEN. ABERIN SA METRO MANILA, PATOK!

‘AAA’ CRIME SCHEME NI GEN. ABERIN SA METRO MANILA, PATOK!

141
0

SA biglang tingin, akala mo lang kung ano ang triple ‘AAA’ pero sa usapang seryoso, ito ay isang anti-criminality scheme na pinaiiral ng pulisya ng Metro Manila.

Ang ‘AAA’ ay tatlong makabuluhang salita na magsisilbing gabay ng ‘men and women’ ng National Capital Region Police Office sa pagharap ng kanilang tungkulin.

Upang maging epektibo ang anti-criminality tool na ito, kailangang maging karakter ng bawat Metro cop ang ‘AAA’, ayon kay NCRPO chief PBGen. Anthony A. Aberin.

Aniya, ang mga pulis ay dapat…

‘A-BLE’ (may kakayahan, kasanayan),

‘A-CTIVE’ (kumikilos at nagtatrabaho)

‘A-LLIED’ (may kasunduan at pagkakaisa).

Dati nang sinabi ni Aberin na kapag itinatak ng mga pulis ng NCRPO sa kanilang isipan ang ‘AAA’ na ‘yan, walang dahilan para hindi maging epektibo ang programa.

 Tila nagdilang anghel dahil isang linggo pa lamang sa puwesto (Nobyembre  23 nang umupong NCRPO acting regional director) si Aberin pero gumagana na ang kanyang brainchild anti-criminality approach.

 Mula Nobyembre 24 hanggang Nobyembre 30, naitala ang 17.52 porsyentong pagbaba ng kriminalidad sa Metro Manila kumpara sa kaparehong linggo – mula Nobyembre 17 hanggang Nobyembre 23.

 Pinaigting din ang operasyon laban sa wanted individuals na nagresulta sa pagkakaaresto ng 337 katao, kabilang ang 137 most wanted at 200 other wanted persons.

 Sa kaparehong linggo na operasyon kontra droga, umabot sa 287 indibidwal ang inaresto, bukod sa nakumpiskang iba’t ibang droga na nagkakahalaga ng mahigit ng P32 milyon.

 Sa kampanya sa iligal na sugal, nakakumpiska ng P114,147.50 gambling money sa 449 na nahuling sugarol ang raiding teams mula sa iba’t ibang unit ng NCRPO.

 This early ay nagpapakita ng pruwebang papatok  ang policing principles ng ‘AAA’  na nakatuon sa pagiging **ABLE, ACTIVE,** at **ALLIED** na mga tauhan ng NCRPO.

Salute kay Gen. AAA at sa buong NCRPO.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here