Home HOME BANNER STORY Elliot Eastman ‘patay’ na

Elliot Eastman ‘patay’ na

150
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes na hinahanap ng security elements, kabilang ang Philippine military, ang posibleng katawan ni Elliot Eastman, matapos sabihin ng isa sa mga suspek sa pagdukot sa American vlogger na posibleng patay na ito.

”Kinonfirm po nila na patay na, patay po si Eastman lumalabas po na noong hapon po na siya po ay in-abduct po, dalawa po ang naging tama nito, sa hita po at sa may tiyan,” pahayag ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo sa isang press briefing nitong Huwebes.

Ayon sa Police Regional Office-Zamboanga (PRO-9), nakakuha ng impormasyon mula sa saksi ang task group na nag-iimbestiga sa pagdukot na binaril umano si Eastman nang manlaban ito sa apat na kalalakihan na pilit itong pinasakay sa isang bangka.

Sinabi rin umano ng saksi na namatay si Eastman sa bangka, at itinapon ng mga dumukot ang kanyang bangkay sa dagat.

”Based nga po doon sa revelations ng isa sa mga suspek ay namatay nga po on the day na in-abduct po si Eastman at habang nasa bangka ay itinapon po ito sa gitna ng dagat. Unfortunately po hanggang ngayon po ay pinagtutulungan pa rin po ng combined elements po ng PNP at Armed Forces of the Philippines ‘yung bangkay po nitong si Eastman po,” ani Fajardo. 

Dagdag ng opisyal, nahanap na ng mga awtoridad ang bangkang ginamit sa pagdukot.

Noong nakaraang buwan, tatlong indibidwal na sangkot umano sa kidnapping ang napaslang sa isang engkwentro sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay. Kinilala ang mga suspek na sina Mursid Ahod, Abdul Sahibad, at Fahad Sahibad.

Samantala, nagsampa na ng kidnapping at serious illegal detention complaints laban sa iba pang mga suspek, tatlo sa mga ito ang nasa kustodiya na ng pulisya.

Inihayag ng US Embassy sa Manila na nakikkipag-ugnayan na ito sa mga lokal na awtoridad hinggil sa pinakabagong ulat.

Tumanggi naman itong magbigay ng karagdagang komento.

”The Department of State has no greater priority than the welfare and safety of US citizens abroad. We stand ready to provide assistance to US citizens in need and to their families,” base sa US Embassy. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here