Home OPINION PAGSISILBI NG “HALF-CUP RICE”, ISINUSULONG NG DA

PAGSISILBI NG “HALF-CUP RICE”, ISINUSULONG NG DA

162
0

Tinatayang nasa limang milyong pamilyang Filipino ang dumaranas ng gutom. Mukhang hindi na maisakatuparan ang ina­a­sam-asam ng bawat pamilya na imbes na bumaba ang presyo, tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na nasa mahigit 300,000 metrikong tonelada ng kanin ang nasasayang sa bansa taon-taon na kayang sana pakainin ang lahat ng mga nagugutom.

Kaya naman suportado ng kagawaran ang panukalang batas na pagsisilbi ng “half-cup rice” sa mga restaurant at mga kainan.

“Isang praktikal na paraan upang mabawasan ang pag-aaksaya. Ang responsableng pagkain ng kanin ay tungkulin nating lahat,” dagdag ng kalihim.

Base sa datos ng Philippine Rice Research Institute (PHILRICE) at Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), ang karaniwang nasasayang na kanin kadabahay araw-araw ay umaabot sa 53 gramo ng lutong kanin.

Kaya nais ni DA Secretary Laurel na maging batas ang pagsisilbi ng half rice para maiwasan ang nasasayang na kanin lalo pa’t may mga takaw-tingin lamang na mga kostumer.
Naniniwala ang kagawaran na malaki ang maitutulong kung gawing batas ang pagsusulong ng responsableng pagkonsumo ng kanin at pagbabawas ng pag-aaksaya nito sa bansa.

Sa kasalukuyan ay may siyam na probinsya, 21 lungsod, at 17 munisipalidad na nagpasa ng ordinansa na nag-uutos sa mga food establishment na mag-alok ng half-cup rice servings sa kanilang mga menu.

Paglilinaw ng DA, PHILRICE at DOST-FNRI, ang panukalang batas ay hindi naglalayon na limitahan ang pagkonsumo kundi magbigay ng mas
maraming opsyon lalo pa’t maraming Filipino ang hirap ubusin ang isang buong tasa ng kanin.

Dahil marami pang pagdaraanan para maging batas ang isang panukala, pinag-aaralan ng DA na imungkahi kay Pre­sident Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. na maglabas ng isang Exe­cutive Order na maghihikayat sa mga food establishments sa buong bansa na magpatupad ng sustenableng pamamaraan sa pagkonsumo ng pagkain kabilang ang pagsisilbi ng half-rice lamang.

Ang plano ay magiging dahilan ng bansa na makatipid ng hindi bababa sa Php 3.6 billion na halaga ng hindi pa nalutong kanin dahil sa mababawasang pag-aaksaya ng kanin sa buong bansa.

Batay sa pag-aaral, mula sa halos dalawang kutsara o katumbas ng 9 na gramo ng nilutong kanin ang nasasayang ng bawat Filipino noong 2009 ay nasa 6 na gramo na lamang o isang kutsara bawat tao ngayong 2024.

Sapat ito para mapakain ang nasa 2.79 million na tao sa loob ng isang taon.

Nananawagan ang PHILRICE sa publiko na suportahan ang kanilang kampanyang tinawag na “Half Rice, Full Heart” na para sa mga konsyumer at mga establisimyento.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here