Home NATIONWIDE PPCRV kinilala ng Comelec bilang citizens arm

PPCRV kinilala ng Comelec bilang citizens arm

100
0

MANILA, Philippines – Kinikilala ng Commission on Elections (Comelec) ang PPCRV bilang isang citizens arm.

Binigyang-diin ng church election watchdog na ang gawain ng mga kabataang boluntaryo ay magiging non-partisan dahil tinitiyak nila na “ang demokratikong proseso ay nananatiling masigla at makabuluhan “para sa mga susunod na henerasyon.”

“We especially call upon the youth, not just as the future of our democracy but as an essential part of its present. You, young people, have a critical role to play, not only for tomorrow but today,” sabi ng PPCRV sa isang pahayag.

Nasa 159 coordinators ang dumalo sa kamakailan na general assembly sa Manila na bahagi ng preparasyon ng grupo para sa May 2025 elections habang nangangako sila sa pagsasagawa ng “malinis, tapat, tumpak, makabuluhan, at mapayapang (CH.A.M.P.) na halalan.”

Samantala, muling iginiit ng National Spiritual Adviser ng grupo na si Archbishop Rex Alarcon ang kahalagahan ng paglilingkod at pagmamahal sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domemden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here