Home NATIONWIDE Crew ng Singaporean-flag bulk carrier, nawawala – PCG

Crew ng Singaporean-flag bulk carrier, nawawala – PCG

144
0

MANILA, Philippines – Pinaghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang crew ng Singaporean Flag Vessel na iniulat na nawawala habang naglalayag patungong Australia mula China noong Disyembre 26.

Sa ulat ng PCG Southwestern Mindanao (CGDSWM), sakay ng bulk carrier RTM Zheng HE ang crew na nawawala.

Nang matanggap ang impormasyon mula sa PCG Command Center, tinawagan ng Radar Station La Paz ng CGDSWM ang master ng barko na si Ashok Chandru Krisha Kumar na nagpahayag na ang kanilang crew ay huling nakita sa port side main deck ng barko na nakasuot ng dark blue reflectorized suit habang binabaybay ng barko ang layong 111 nautical miles northwest ng karagatan sakop ng Zamboanga City Pier.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang search and resue operation ng naturang barko sa umano’y tumalon o nahulog katuwang ang MV HL Hope at MV Federal Sutton na nagkataong nasa bisinidad.

Idineploy na rin ng PCG ng BRP Capones (MRRV-4404) para tumulong sa SAR operation sa nawawalang crew.

Pinayuhan naman ang lahat ng mga sasakyang-pandagat na dumaraan sa bisinidad baybayin na agad ipagbigay alam sakaling mamataan ang nawawalang crew para sa agarang tulong at maipagbigay alam din sa PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here