MANILA, Philippines – Idineklara ang Red Alert status sa Cebu City bilang paghahanda para sa ika-460 Fiesta Señor at Sinulog Festival 2025.
Ayon sa rekomendasyon ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO), itinaas ang alerto upang matiyak ang kahandaan ng mga tauhan, kagamitan, at response teams para sa anumang emergency na maaaring mangyari sa panahon ng selebrasyon.
Simula ngayong araw, epektibo ang Red Alert at mananatili hanggang Enero 18, 2025, para sa Solemn Foot Procession, at Enero 19, 2025, para sa Sinulog Festival, o hanggang sa ipag-utos ang pagbawi nito.
Pinapayuhan ang publiko na tumawag sa Cebu City Command Center Emergency Hotlines para sa mga emergency o tanong: 2621424, 09325377770, 09471780000, o 09178399896. RNT