Home NATIONWIDE Partial ops ng Cavite BRT itinakda sa Setyembre 25

Partial ops ng Cavite BRT itinakda sa Setyembre 25

176
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magagamit na ng mga commuter sa Setyembre ang Cavite bus rapid transit (BRT) kasabay ng target ng Megawide Construction Corp. na pagsisimula ng partial operations.

Sa panayam kay Megawide CEO Edgar Saavedra, sinabi na ang konstruksyon ng P1.87 bilyong BRT project ay nakatakdang magsimula sa second quarter ng taon.

Aniya, inaasahang mababawasan ang travel time ng mga commuter sa pamamagitan ng transport system na nakadisenyong maglagay ng dedicated bus lanes.

Magkakaroon din ng schedule ang mga biyahe ng bus para mas madaling matukoy ang oras ng biyahe ng mga pasahero.

Nauna nang sinabi ni Saavedra na inaasahan nila ang 10,000 daily ridership ngunit maaari pang mas tumaas ng 50,000 kapag naging operational na ang lahat ng istasyon ng BRT.

Natanggap ng Megawide ang notice of award mula sa lokal na pamahalaan ng Cavite noong Enero 8.

Ang kompanya ay makikipagtulungan sa isang
local investment holdings company Maplecrest Group Inc. para sa proyektong ito.

May habang 42 kilometro ang BRT project na tatakbo sa mga lungsod at munisipalidad sa Cavite partikular ang Imus, General Trias, Tanza, Kawit at Trece Martires—at kalapit na lugar para maidugtong sa Metro Manila.

Magkakaroon ito ng 37 istasyon at tatlong terminal.

Ang napiling private concessionaires, na inatasang magpondo at magsagawa ng konstruksyon ng proyekto, ay binigyan ng 30-year concession period.

Itu-turn over ang assets nito sa pamahalaan makalipas ang 30 taon.

Samantala, ang BRT ay ikokonekta rin sa Parañaque Integrated Terminal Exchange, na magbibigay ng point-to-point link sa pagitan ng Cavite at Metro Manila. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here