MANILA, Philippines – Dinaluhan at pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go, kinikilala sa kanyang krusada sa reporma sa kalusugan, ang inagurasyon ng Super Health Center sa Moalboal, Cebu.
Ang nasabing pasilidad ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng senador na mailapit ang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan ng mga Pilipino, lalo na sa mga komunidad.







