Home NATIONWIDE Maulap na panahon sasalubong sa pagdiriwang ng Chinese New Year

Maulap na panahon sasalubong sa pagdiriwang ng Chinese New Year

122
0
(c) Crismon Heramis

Maaaring makaranas ng maulap na panahon at pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa sa pagdiriwang ng Bagong Taong Tsino, ayon sa PAGASA sa kanilang 4 a.m. weather bulletin ngayong Miyerkules, Enero 29, 2025.

Apektado ng shear line ang Bicol Region, Eastern Visayas, Central Visayas, at Dinagat Islands, na magdadala ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, at mga pulu-pulong pagkulog at pagkidlat. Ang Palawan at natitirang bahagi ng Visayas ay makakaranas din ng maulap hanggang bahagyang maulap na panahon na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Samantala, ang easterlies ang magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at maulap na kalangitan sa Mindanao.

Ang Northeast Monsoon (amihan) naman ang magpapalakas ng maulap na panahon at pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora. Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, asahan ang maulap hanggang bahagyang maulap na panahon na may mahihinang pag-ulan dulot ng amihan.

Bagamat maulan, kinumpirma ng PAGASA na walang binabantayang low-pressure area (LPA) na maaaring maging bagyo batay sa kanilang 2 a.m. update. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here