Home ENTERTAINMENT Gigi, banned sa TV?

Gigi, banned sa TV?

248
0

Manila, Philippines – Maraming kafaneyan ang nakaka-miss sa singer at occasional actress na si Gigi de Lana.

May tsika kasing hinahanap-hanap daw nito ang limelight.

Bet daw nitong magbalik sa telebisyon.

Dati na kasing nagpe-perform si Gigi sa ASAP at iba pang programa ng ABS-CBN.

Nakapagbida na rin siya noon sa drama series na “Hello Heart” para sa streaming platform na iQIYI kung saan nakatambal niya si Gerald Anderson.

Ayon naman sa iskup ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update, may silent ban daw ang singer sa Kapamilya network at maging sa ibang istasyon.

May kinalaman daw ito sa diumano’y breach of contract ni Gigi kung saan may mga raket umano itong hindi ipinaalam sa Star Magic na ikinaimbudo ng nasabing talent management arm ng ABS-CBN.

May hirit pang nag-aalangan daw siyang kunin ng ibang network dahil ayaw ng mga itong masabit sa gulo o usapin ni Gigi.

Bukas naman ang pahinang ito sa panig ng Rise Artists Studio at Star Magic at maging si Gigi hinggil sa nabanggit na isyu. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here