Home ENTERTAINMENT Court victory ni Bossing, ipinagsigawan ni Pauleen

Court victory ni Bossing, ipinagsigawan ni Pauleen

204
0

Manila, Philippines – “Victory!…The results are in and they’re in our favor!”

Ito ang buong kagalakang ipinost ni Pauleen Luna nitong January 27, Lunes makaraang katigan ng Muntinlupa Regional Trial Court ang inihaing writ of habeas data ng asawang si Vic Sotto laban sa movie teaser na inilabas ni direk Darryl Yap kaugnay ng kanyang pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma.

Ani Pauleen, itinuturing niyang tagumpay ng kanilang pamilya–most especially their kids–ang desisyon ng korte.

Ipinost nga ni Pauleen ang court order na pirmado ng judge.

Ipinag-uutos ng korte na tanggalin o burahin ni Yap ang movie teaser sa anumang online platform o social media.

May running time na 26 minuto ang nasabing teaser.

Sa naturang promotional material, malinaw ang pagkakabanggit sa pangalan ni Vic Sotto.

Makikita ito sa pag-uusap ni Gina Alajar na gumaganap bilang Charito Solis at Rhed Bustamante bilang Pepsi.

Ayon sa korte, mali raw ang impormasyong nakapaloob sa nasabing dayalogo dahil hindi naman ‘yon beripikado.

Samantala, pinayagan naman ng korte si Yap na ituloy gawin ang nasabing kontrobersyal na pelikula. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here