MANILA, Philippines- Inilikas ng mga volunteer ng Philippine Red Cross (PRC) ang ilang residente sa Barangay San Miguel, Puerto Princesa City, Palawan dahil sa matinding pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan bunsod ng northeast monsoon o Amihan sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa Red cross, itinalaga nito ang kanilang rescue team mula sa Puerto Princesa Chapter para sa magsagawa ng rescue operation.
Sa tulong ng 143 volunteers ng Red Cross, nasa 30 indibidwal ang kanilana na-rescue kasama ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard-Palawan.
Dinala ang mga nasagip na residente sa Brgy. San Manuel Hall.
Ayon pa sa PRC, nagtalaga rin ng welfare desk at evacuation center ang nasabing barangay para sa mga apektadong nangangailangan ng tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden