Manila, Philippines – If there’s one thing that Mon Confiado takes pride in, ‘yun ang kanyang humility o kababaang-loob.
Hindi lingid sa publiko ang bilang ng mga parangal na natanggap ni Mon, who probably has the most number of Best Supporting Actor trophies under his sleeve.
Yet despite this, ni minsan ay hindi siya kinakitaan ng ere.
His feet remain planted on terra firma, ‘ika nga.
Visible these days si Mon dahil nagpo-promote siya ng kanyang latest movie, ang In Thy Name.
Mon plays a Muslim rebel whose acting ay pasadung-pasado sa costar niyang si McCoy de Leon.
Kung flattered si Mon ng mga papuri sa kanya, kabaligtaran naman ang kanyang reaksyon sa balitang nakarating sa kanya.
At the mediacon of the movie, tinanong si Mon ni Dolly Ann Carvajal–based on her reliable source–kung totoong sinabi ng aktor na ‘di hamak na mas maganda raw ang In Thy Name kumpara sa Green Bones.
Ang Green Bones ay ang isa sa sampung opisyal na kalahok sa MMFF noong isang taon.
Tinanghal itong first Best Picture, pero bokya ang direktor nitong si Zig Dulay.
Labis na ikinagulat ni Mon ang pinakukumpirma sa kanya ng lady scribe.
Nawindang, even.
Depensa ni Mon, in the first place ay imposibleng sabihin niya ‘yon dahil hindi niya napanood ang Green Bones.
In short, he had no basis for comparison.
Ikalawa at higit sa lahat, kaibigan daw ni Mon si direk Zig so why would he speak ill of the latter’s work?
”’Yung movie namin, iba ang tema,” paglilinaw ni Mon to dispel Dolly Ann’s info. Ronnie Carrasco III