Manila, Philippines- Pinag-uusapan ngayon ang emote ng actor na si Carlos Agassi sa isang TikTok video.
Tila nakalunok daw ito ng bitter pill o nag-aampalaya sa kanyang hanash sa nasabing clip.
Nagbigay kasi siya ng update sa kanyang buhay kung saan nag-spill the tea siya kung nagkikita-kita pa sila ng mga dating kasamahan sa grupong “The Hunks” na sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Bernard Palanca.
Aniya, magmula raw nang magkanya-kanya sila ng karera ay nabuwag na ang nasabing grupo na nabuo 25 years ago.
May bentahe raw naman ito dahil kung dati-rati ay pantay-pantay sila pagdating sa exposure at talent fee, umalagwa raw naman ang karera ng iba bagama’t aminado siyang may napag-iwanan.
Gayunpaman, tanggap daw niyang ganoon ang kalakaran sa showbiz.
Katunayan noong um-attend daw siya ng birthday ni Mr. M ay dedma na lang siya sa mga ito.
May kinemeng keso pa siya na noong naaksidente raw siya ay di man lang siya nakuhang kumustahin ng mga ito.
Samantalang noon daw kasagsagan ng kasikatan ng kanilang grupo ay kini-kiss ass pa siya na mapasama sa shows bilang ponakabatang miyembro ng grupo.
Ito naman ang reaksyon ng kibitzers sa kanyang hanash.
“That’s the sad reality of showbiz. Pag di ka na relevant, dedma ka na.”
“Naging close friends ba niya sina Echo, Diet at Papa P. baka naman acquaintance level lang.”
“Iba naman iyong naka-work, iba rin iyong naging friends mo talaga.”
“Nag-aampalaya si Kuya dahil walang pumayag na makipag-collab na co-Hunks member sa kanyang content.”
“Sa kanilang lima, siya lang at si Bernard ang napag-iwanan.”
“Naloka ako sa kanta ni Kuya. Kahit ako naman, di ako papayag na lumabas sa music video na ganyan ang lyrics. Idadamay mo pa sa kahihiyan.”
“Oo tama sya, ganun talaga ang buhay. Hindi naman porke’t magkakatrabaho sa isang grupo eh close na. Hindi lahat ng nakikita sa tv eh totoo.”
“In fairness, may following naman ang kanyang fitness tips.”
“Puwes, di mo talaga sila kaibigan.”
Bukas naman ang pahinang ito sa panig nina Echo at Papa P hinggil sa emote ni Carlos. Archie Liao