Home METRO Bebot pinatay ng live-in na caretaker; suspek nagbaril sa sarili

Bebot pinatay ng live-in na caretaker; suspek nagbaril sa sarili

197
0

MANILA, Philippines – Binaril-patay ng 36-anyos na caretaker ang live-in partner nito kasunod ng pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mainit, Mabini, Batangas.

Matapos nito ay nagbaril din sa sarili ang suspek.

Kinilala ang mga nasawi na sina Patrick Imperial at Katherine Cascante, 39.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na binaril ni Imperial si Cascante gamit ang kalibre .45 pistola sa ulo. Matapos nito ay nagbaril din sa ulo si Imperial.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here